^

PM Sports

NCR gymnasts humakot ng 16 ginto

Pang-masa

MANILA, Philippines - Humataw ang mga gym­nasts ng National Ca­pital Region para tulungan ang delegasyon na pangu­nahan ang paramihan ng ginto sa idinadaos na 2013 Palarong Pambansa sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Ang NCR ay kumub­ra ng 16 ginto upang trang­ku­han ang 33 ginto na kinubra na ng delegasyon matapos ang tatlong araw ng kompetisyon.

Si Regine Reynoso ang siyang nangunguna sa NCR matapos makakuha ng apat na ginto sa all-around (38.375), horse vault (12.513) at floor exer­cise (13.05) bukod sa team gold (108.724) sa secondary girls Wo­men’s Ar­tistic Gymnastics.

Nagwagi rin sina John Ivan Cruz sa elementary boys, Car­los Edriel Yulo sa se­condary boys at sina Gi­an Alexis Bernate sa ele­­mentary girls.

Nagpapasikat din ang NCR sa archery sa nali­kom na dalawang ginto ga­ling kay Luis Gabriel Mo­reno sa 30m (341) at 40m (332) distansya.

Nanalo ang Big Ci­ty sa secondary girls at ele­mentary boys lawn tennis bukod sa secondary at ele­mentary girls badminton.

Ang NCR ang nangu­na sa overall me­dal tally sa 33 ginto, 20 pilak at 11 bronze medals.

vuukle comment

ALEXIS BERNATE

BIG CI

DUMAGUETE CITY

EDRIEL YULO

JOHN IVAN CRUZ

LUIS GABRIEL MO

NATIONAL CA

NEGROS ORIENTAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with