^

PM Sports

Top Two seat puntirya ng Gems sa pagharap sa Bakers sa D-League

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nananalig si Café Fran­ce head coach Edgar Ma­­ca­raya na maibabalik agad ng kanyang mga alipores ang kanilang win­ning form upang ma­natiling palaban para sa unang dalawang puwesto sa pagharap sa Cebuana Lhuillier sa PBA D-Lea­gue Foundation Cup nga­yon sa Yñares Sports Are­na sa Pasig City.

Ang laro ay matutunghayan sa ganap na alas-2 ng hapon at ang Bakers na galing sa 50-55 pagkatalo sa Boracay Rum sa huling asignatura ay magbabalak na kunin ang ikaanim na pa­nalo sa siyam na laro upang manatiling nakadi­kit sa NLEX (5-2) na nagsosolo sa mahalagang ikalawang puwesto sa team standings.

Diretsong aabante sa semifinals ang mga ko­po­nang uupo sa unang dalawang puwesto, habang ang apat na koponan na ku­kunin ang ikatlo hanggang ikaanim na puwesto ay maglalaro sa quarterfinals.

Hindi maaaring biruin ng Bakers ang Gems dahil habol nila ang puwesto sa quarterfinals.

May 4-4 karta ang Gems para makasalo ang Ca­gayan Valley at Big Chill para sa ika-pitong pu­westo, kapos ng kalahating laro sa nasa ika­anim na Fruitas at EA Re­gens (4-3).

Ang Shakers ay makakaharap ang Informatics sa unang laro sa alas-12 ng tanghali at pa­boritong wakasan ang tatlong dikit na kabiguan.

Ang banggaan ng Big Chill at Jumbo Plastic ang mangyayari sa alas-4 ng ha­pon.

vuukle comment

ANG SHAKERS

BIG CHILL

BORACAY RUM

CEBUANA LHUILLIER

EDGAR MA

FOUNDATION CUP

JUMBO PLASTIC

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with