^

PM Sports

Homecourt advantage tatangkain ng SMBeermen

ATan - Pang-masa

LARO NGAYON

(Nimibutr Stadium, Bangkok, Thailand)

6 p.m. Thailand

Slammers

vs San Miguel Beer

MANILA, Philippines - Paiigtingin pa ang pag­hahabol sa  homecourt ad­vantage sa playoffs ang dag­dag motibasyon sa San Miguel Beer sa pagbi­sita sa Nimibutr Stadium sa Bangkok, Thailand pa­­ra harapin ang Sports Rev Thailand Slammers sa ASEAN Basketball League ngayong gabi.

Ang laro ay itinakda sa ganap na alas-6 ng gabi at ika-11 sunod na panalo din ang makukuha ng Beer­men kung makayang hi­yain uli ang Slammers.

Ito ang ikalawang ta­gisan ng dalawang kopo­nan at naunang naiuwi ng Beermen ang 77-73 pa­nalo noong Pebrero 13 sa na­sabing venue.

Sakaling makadalawa ang tropa ni coach Leo Austria, aangat ang kopo­nan sa 14-3 karta at halos sel­yado na ang homecourt advantage dahil ang nag­hahabol na Westports Malaysia Dragons (9-8) ay hanggang 14 wins lamang ang makakayang gawin kung walisin man ang  li­mang huling laro.

Wala si Chris Banche­ro bunga ng left quadriceps tendon tear pero buo pa rin ang puwersa ng ko­ponan dahil kina Asi Tau­lava, Brian Williams, Jus­tin Williams, Leo Ave­ni­do at ang pamalit na si Hans Thiele.

ASI TAU

BASKETBALL LEAGUE

BRIAN WILLIAMS

CHRIS BANCHE

HANS THIELE

LEO AUSTRIA

NIMIBUTR STADIUM

SAN MIGUEL BEER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with