Summer Racing Festival ngayon
MANILA, Philippines - Rambulan para sa gantimpalang P24,000.00 ang maÂtutunghayan sa hanay ng anim na kabayo na kasali sa 2013 Summer Racing Festival (HR-4) na isa sa kaÂrerang nakahanay sa Metro Turf Club sa Malvar, BaÂtangas ngayong gabi.
Pinasigla ang tagisan sa isinahog na P40,000,00 adÂded prizes na ipinagkaloob ng Philippine Racing Commission (Philracom) at Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) para lalong magpursigi ang mga hinete na ipaÂnalo ang kanilang mga sakay na kabayo.
Ang mga maglalaban-laban sa race six na inilagay sa 1,400 metrong distansya ay ang Sure Class (Rus TelÂles), BaÂlatkayo (JA Guce), Kismet (DH Borbe Jr.), PerÂsian Empire (JB Guce), Sparkling Rule (JT Zarate) at Dream Of All (P Dilema).
Inaasahang magbabalikatan ang mga kabayong BaÂlatkayo at Dream Of All na tumakbo sa idinaos na AP Reyes Stakes Race noong Abril 14 sa San Lazaro LeiÂsure Park sa Carmona, Cavite.
Parehong hindi tumimbang ang dalawang kabayo sa magkahiwalay na karerang nilahukan kaya’t asahan na nasa kondisyon ang Dream Of All at Balatkayo paÂra makuha ang asam na tagumpay.
May P9,000.00 premyong ibibigay para sa papaÂngalawa at P5,000.00 at P2,000.00 para sa papangatlo at papang-apat sa datingan, ayon sa pagkakasunod.
- Latest