Training camp ni Donaire gustong ilipat
MANILA, Philippines - Ang kabiguan ni Mexican trainer RoÂbert Garcia na subaybayan ang pag-eensayo ni Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. ang sinasabing isa sa mga dahilan ng pagkatalo nito kay Guillermo Rigondeaux.
Sinabi ni Garcia sa panayam ng BoÂxingScene.com na matagal na niÂyang hinihiling kay Donaire at sa maÂnager nitong si Cameron Dunkin na lumipat ng traiÂning camp.
Sa kanyang paghahanda kay RiÂgondeax, nagsanay si Donaire sa San CarÂlso, California, habang nakabase naÂman si Garcia sa Oxnard.
“It will be so much different if NoÂniÂto trained here in Oxnard, but some fighÂters are different,†sabi ni GarÂcia kay Donaire.
“It’s just something we might neÂver be able to convince him to do and we might make a few decisions if that doesn’t happen,†dagdag pa ng Mexican traiÂner.
Naisuko ni Donaire ang kanyang bitÂbit na WBO suÂper bantamweight belt nang matalo kay Rigondeaux via unanimous decision sa Radio City Music Hall sa New York.
Asam ni Donaire (31-2-0, 20 KOs) ang isang rematch kay Rigondeaux (12-0-0, 8 KOs).
“We hate to lose, of course, but sometimes a lot of fighters need a loss to learn from their mistakes and learn from their training camps,†wika ni Garcia. “Sometimes it is beter for them. In this case with DoÂnaire, it’s going to make him stronger.â€
- Latest