Villarias nagbida sa pananaig ng NLEX Road Warriors kontra sa Fruitas
MANILA, Philippines - Naipakita ni Byron VilÂlarias ang larong inaaÂsahan sa kanya para tuluÂngan ang NLEX Road WarÂriors sa 75-66 panaÂlo sa Fruitas sa PBA D-League Foundation Cup kaÂhapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Ang dating manlalaro ng Jose Rizal University na kinuha ng Road Warriors sa off-season ay tumipa ng 16 puntos kaÂsama ang apat na tres sa seÂcond half.
Ang mga tres na ito ay ginawa ni Villarias matapos hawakan ng Shakers ang 53-46.
Dahil sa biglang pag-iinit, ang tropa ni coach Boyet Fernandez ay lumamang sa 64-53 sa kaagahan ng huling yugto.
May tig-10 marka sina Nico Salva at Matt GaÂnueÂlas para sa NLEX.
Pinaigting din ng Big Chill at Cagayan Valley ang paghahabol para sa puÂwesto sa quarterfinals nang kalusin ang mga talÂsik nang Hog’s Breath at InÂformatics, ayon sa pagÂkaÂkasunod.
May 22 puntos si Ping Eximiniano, habang 15 ang naibigay ni Adrian CeÂlada para bitbitin ang RiÂsing Suns sa 79-68 paÂnalo sa Razorbacks.
Hindi nagpahuli ang SuÂÂperchargers na dinurog naman ang Icons, 92-63, paÂra pantayan ang 4-4 karÂta ng Cagayan Valley at ang pahingang Cebuana Lhuillier.
- Latest