Letran, San Sebastian mag-uunahan sa pagsilip ng kanilang tsansa sa quarters
MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang LeÂtran at ang San Sebastian na buhayin pa ang mga nanÂlalamig nilang kamÂpanya sa Shakey’s V-League Season 10 First Conference sa tampok na laro sa pagpapatuloy ng mga labanan sa The AreÂna sa San Juan City.
Parehong hindi pa nananalo ang Lady Knights at Lady Stags matapos ang dalawang laro kaya’t tiÂyak na ang panalong maÂhahagip sa larong itiÂnakda sa ganap na alas-4 ng hapon ay makakatulong para pataasin muli ang kani-kanilang kumpiyansa.
Ang nagdedepensang kampeon at walang taÂlong Ateneo at UniversiÂty of Sto. Tomas ang nakaÂusad na sa quarterfinals sa Group A, habang ang La Salle Dasmariñas ay nagÂhahabol ng puwesto.
Pamumunuan ang LaÂdy Stags ng mahusay na si Thai player Jeng Bualee, ngunit kailangang magiÂsing din ang ibang kakampi para mabigÂyan ito ng suporta at maging mas madali ang hanap na panalo sa palaban ding Lady Knights.
Walisin ang Group B ang hangad ng National University sa pagsukat sa lakas ng NCAA champion Perpetual Help sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon.
Nauna nang pinataob ng Lady BullÂdogs ang Arellano, Adamson at UniÂversity of San Carlos CeÂbu matapos sandalan si 6-foot-2 Dindin Santiago na guÂmawa ng 59 puntos.
- Latest