^

PM Sports

‘Boom Boom’ pinatahimik ni Ramirez para sa interim belt

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagwakas ang eight-fight winning streak ni da­ting world title challenger Rey ‘Boom Boom’ Bautista ma­tapos ang isang split decision loss kay Mexican journeyman Jose Ramirez sa kanilang 12-round featherweight bout noong Sabado ng gabi sa University of South­eastern Philippines Gymnasium sa Davao City.

Nakakuha si Ramirez ng mga iskor na 114-111 at 114-111, habang tumanggap naman si Bautista ng 114-111 puntos.

Dahil sa kabiguan, may 34-3-0 win-loss-draw ring re­cord ngayon ang 26-anyos na si Bautista kasama ang 25 KOs kumpara sa (25-3-0, 15 KOs) ni Ramirez.

Huling natalo ang tubong Candijay, Bohol na si Bau­tista kay Heriberto Ruiz noong 2008.

Ang isa pang kabiguan ni Bautista ay ang kanyang first round KO mula kay world featherweight titleholder Daniel Ponce De Leon ng Mexico.

Umiskor si flyweight contender ng The Ring na si Rocky Fuentes (35-6-2, 20 KOs) ng Cebu City ng isang unanimous decision win laban kay Juan Kantun (20-4-3, 15 KOs) ng Mexico.

 

vuukle comment

BAUTISTA

BOOM BOOM

CEBU CITY

DANIEL PONCE DE LEON

DAVAO CITY

HERIBERTO RUIZ

JOSE RAMIREZ

JUAN KANTUN

PHILIPPINES GYMNASIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with