Tabako namayani sa Santa Ana
MANILA, Philippines - Tamang-tama lamang ang pagpapakawala sa kaÂbayong Tabako para kunin ang panalo sa unang karera noÂong Biyernes ng gabi sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si RE Baylon ang hineteng nagdala sa Tabako na nanalo pa kahit nalagay sa malayong pang-apat na puwesto pagpasok ng rekta sa class division 1 race na piÂnaglabanan sa 1,000 metrong distansya.
Nagbakbakan sa unahan ang Final Judgement at Be Open ngunit natabunan ang dalawa ng mas mainit na pagdating ng Statuesque at Tabako.
Angat ng kalahating kabayo ang Statuesque ni Val Dilema pero may nalalabi pang lakas sa mga binti ng TaÂbako para una pang tumawid sa meta.
Lumabas bilang pinakadehadong kabayo na nanalo sa pista na pag-aari ng Philippine Racing Club Inc. ang TaÂbako matapos maghatid ng P96.50 sa win, habang mas magandang P1,586.50 ang nakamit ng mga dehaÂdistang nakuha ang forecast combination na 8-3.
Nakapagpasikat din ang Blue Material na hawak ni AM Tancioco matapos ang malakas na pagremate paÂtungo sa panalo sa class division 5 na pinaglabanan sa 1,300 metrong distansya.
Ang Winning Bid pa ni CP Henson ang pumuwesto sa pangalawa.
Nasa P32.50 ang win ng Blue Material, habang 5-6 forecast ay nasa P472.50 dibidendo.
- Latest