^

PM Sports

Appointment maipapakita ang tunay na kakayahan

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pag­ka­kataon ang 3-year old horse na Appointment na maipakita ang kondisyon sa pagtakbo sa Handicap race (4) ngayon sa Metro Turf Club sa Malvar, Ba­tangas.

Race six ang karera sa programa at ito ay mag­sisilbing tune-up ng ka­bayo upang malaman kung may kakayahang ma­nalo kung isasali sa 20­13 Philracom Triple Crown Stakes race.

Sa 1,600 metro pag­la­labanan ang karera na kung saan kasali rin ang mga kabayong Fourth Dan (AR Villegas), Hum­ble Submission (LT Cuadra), Gold On Fire (FM Raquel Jr.), Keep The Pledge (EG Reyes) at Kaindara (EM Raquel).

Si Jessie Guce ang di­diskarte sa Appointment mu­la sa dating hineteng si Jonathan Hernandez na naihatid ang kabayo sa pang-apat na puwesto sa Philracom Chairman’s Cup noong Marso na pi­nagharian ng Be Humble.

Ang 1st Leg ng Triple Crown ay gagawin sa bagong race track na pag-aari ng Metro Mani­la Turf Club sa Mayo sa isang milyang distansya ka­ya’t magkakaroon ng pag­kakataon ang mga may-ari ng kabayo at mga ka­rerista na makita ang pu­wedeng ipakita ng mga mag­lalaban.

Ang iba pang inaasahang masasama sa talaan ng Triple Crown ay ang El Liberador at Cat’s Silver, Be Humble at kung kon­disyon ay ang Eurasian.

Isang Handicap I race sa mga edad tatlong taong gulang na mga kabayo ang magbubukas sa pista na lalahukan nmg limang ka­bayo.

BE HUMBLE

EL LIBERADOR

FOURTH DAN

GOLD ON FIRE

ISANG HANDICAP I

JONATHAN HERNANDEZ

KEEP THE PLEDGE

SHY

TRIPLE CROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with