Lebron may tsansa sa MVP
MIAMI -- Wala pang hinihirang na unanimous MVP sa kasaysayan ng NBA.
Hindi si Wilt Chamberlain, hindi si Bill Russell, hinÂdi si Shaquille O’Neal, at hindi si Michael Jordan.
Si LeBron James ang maaaring makagawa nito.
At naniniwala ang Miami Heat na mangyayari ito.
Matapos makopo ang una niyang NBA title noong Hunyo, mas humusay pa si James sa kanyang unang taÂon bilang kampeon.
Pinangunahan niya ang liga sa field goals bagama’t pang pito sa shots attempted.
Nagposte siya ng mga career-bests sa shooting perÂÂcentage, 3-point percentage, rebounds per game at double-doubles.
At ginawa niyang lahat ito nang tumitira ng kaunti sa kanyang 10-year career.
Maraming dahilan kung bakit liyamado ang Heat sa kanilang pagsagupa sa Milwaukee Bucks sa first-round playoffs.
“Numbers aren’t why I play this game of basketball,†wika ni James. “Numbers have never been why I play the game. That’s not how I was taught to play the game.â€
Sinabi ni James na naglalaro siya para sa titulo.
“He came off one of the more historical MVP seasons with a championship. Most people, the human condition would have been to relax and say, OK, that’s the pinnacle,†sabi ni Fil-Am Heat coach Erik SpoÂelstra. “But instead, he wanted to push and find anoÂther barrier. And that’s why we don’t want to, he doesn’t want to, put a ceiling on how far he can go. ... He’s a plaÂyer that could conceivably continue to get better.â€
Tumipa si James ng 56.5 percent ngayong season at nagsalpak ng 103 na 3-pointers.
“It’s a historic regular season,†wika ni Heat forward Shane Battier, naniniwalang si James ang magiÂging unanimous MVP. “He never see numbers like this and performance like this - on both ends - like we saw this year.â€
Nagtala si James ng mga averages na 26.8 points, 8 rebounds, 7.3 assists at 1.7 steals per game.
- Latest