Arellano puputok sa Asian Youth Games
MANILA, Philippines - Dadaanin ng 15-anyos na si Celdon Arellano sa maÂsusing pagsasanay ang kabang nararamdaman sa paglahok sa 2nd Asian Youth Games sa Nanjing, China sa Agosto 16-24.
Si Arellano ay isa sa limang batang shooters na nagÂmula sa National Youth Development Program na itinÂatag ni national shooter Nathaniel ‘Tac’ Padilla na tinapik para mapabilang sa shooting team sa AYG.
Ang incoming fourth year high school ng KalayaÂan National High School sa Parañaque City ang siyang siÂnasabing may malaking potensyal na manalo ng medalya sa nasabing kompetisyon matapos makapuÂtok ng 591 sa national qualifying noong Enero.
Ang puntos ay higit ng dalawa sa shooter na nanalo ng medalya sa 1st AYG sa Singapore.
“Nararamdaman ko po ang pressure kaya dadaaÂnin ko sa tibay ng paniniwala kay Lord at sa gagawin kong pagsasanay,†wika ni Arellano nang dumalo sa SCOOP sa Kamayan Padre-Faura kahapon.
Bukod kay Arellano, kasama rin sa delegasyon siÂna Enrique Gazmin, Angela Dimaculangan, Amparo Acuña at Sophie Reyes, habang ang tatayong head coach ay si Julius Valdez.
- Latest