Donaire gusto nang bumalik sa ensayo
MANILA, Philippines - Plano ni dating unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. na muling umakyat ng boxing ring sa Disyembre.
Sinabi ng mga duktor na apat hanggang anim na buwan ang dapat ipahinga ni Donaire para sa kanyang nakatakdang surgery sa napunit na litid sa kanyang kaliwang balikat matapos ang isang unanimous decision loss sa bagong unified world super bantamweight king na si Guillermo Rigondeaux noong nakaÂraang Linggo.
Ngunit hindi ito mahihintay ng 30-anyos na tubong Talibon, Bohol.
“I plan to be back before the end of the year,†ani DoÂnaire sa panayam ng BoxingScene Radio kahapon. “They were looking at, at least six months but if I take care of myself and the way I heal, I heal very fast.â€
Sinabi pa ni Donaire, ipinanalo ang kanyang apat na laban noong nakaraang taon kontra kina Wilfredo Vasquez, Jr., Jefrrey Mathebula, Toshiaki Nishioka at Jorge Arce, na maaari na siyang bumalik sa ensayo sa Agosto.
“We’re looking to be able to come back to the gym around four months or so and start training but it’s a long process as you have to do rehabilitation and all this other stuff,†sabi ni Donaire. “But they are telling me four to six months but I want to be back by the end of the year.â€
Inagawan ng 32-anyos na si Rigondeaux si DoÂnaire ng kanyang suot na World Boxing Organization title para isama sa kanyang hawak na World Boxing Association crown sa kanilang unification fight noong Linggo sa Radio City Music Hall sa New York.
Ito ang unang kabiguan ni Donaire matapos ang 12 taon para sa kanyang 31-2-0 win-loss-draw ring record kasama ang 20 KOs kumpara sa 12-0-0 (8 KOs) slate ni Rigondeaux.
- Latest