Fruitas, EA Regen magpapatibay ng estado
MANILA, Philippines - Magpapatatag sa kani-kaÂnilang puwesto ang FruiÂtas at EA Regen sa maÂgaganap na pagtutuos sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Yñares Sports Arena sa Pasig City.
Ikalimang panalo sa anim na laro na magpapaÂnatili sa Shakers sa ikalawang puwesto ang nakataya sa koponan, habang ang Team Delta ay nagbabalak na lagukin ang ikatlong suÂnod na panalo upang maÂkasalo ang pahingang NLEX sa 4-2 baraha.
Galing din sa panalo ang magkabilang koponan at ang tropa ni coach Nash RaÂcela ay nangibabaw sa Big Chill noong Abril 11, 83-75, habang tumaob sa bataan ni coach Allan Trinidad ang Cebuana Lhuilier, 73-69.
Aasa uli si Trinidad sa bangis ng puwersa sa ilalim na pinamumunuan nina 6-foot-6 Ian Sangalang at 6’7 Raymund Almazan.
Bukod ito sa husay sa pagbuslo nina Jimbo Aquino at Clark Bautista.
Sa kabilang banda, si Carlo Lastimosa ang mamumuno sa pag-atake ng Shakers para maipagpatuloy ang paghahabol sa awtomatikong puwesto sa semifinals na ibibigay sa mangungunang dalawang koponan.
Ikalimang panalo rin ang nais na hagipin ng CeÂbuaÂÂna Lhuillier sa pagkikita nila ng baguhang Jumbo Plastic sa ikalawang laro sa alas-4 ng hapon.
Tiyak na nanggigigil ang Gems na talunin ang Giants matapos lumasap ng pagkatalo sa huling asignaÂtura at nalagay sa ikalimang puwesto kasama ang paÂhiÂngang Boracay Rum sa 4-3 karta.
Papasok ang Giants mula sa 80-75 panalo na puÂmiÂgil sa apat na dikit na pagkatalo tungo sa 2-5 baraha.
Kailangang magpapanalo ang Giants upang maÂkahabol sa anim na koponang aabante sa susunod na yugto ng kompetisyon.
- Latest