^

PM Sports

Koreano sa Le Tour Stage 1

Russell Cadayona - Pang-masa

APARRI -- Binayo man ng malakas na ulan ang Stage One ay napagwagian pa rin ito ni Lee Ki Suk ng CCN Cycling Team ng Brunei kahapon.

Nagsumite ang 26-anyos na si Lee ng tiyempong apat na oras, 35 minuto at 42 segundo sa distansyang 183 kilometro na tinampukan ng kanyang panalo ng tatlo sa apat na sprint upang isuot ang green at yellow sa ikaapat na edisyon ng Le Tour de Filipinas.

“The rain was a big help to me because yesterday (Biyernes) it was very hot,” sabi ng 5-foot-9 na tubong Seoul, Korea na nanguna sa stage sprint na 61.99 kms., 93.79 kms at 123.39 kms. matapos bumandera sa unang stage sprint na 32.39 kms ang kanyang kakampi sa CNN na si Jones Caleb.

 Sumunod naman kay Lee sina Douglas Repacholi ng City of Perth Cycling Team at Ghader Iranagh Mizbani ng Terengganu Cycling Team ng Malaysia sa kanilang tiyempong 4:35:42 at 4:35:44, ayon sa pagkakasunod.

Wala namang Pinoy cyclist na nakapasok sa Top Ten sa nasabing International Cycling Union (UCI) Asia Tour race na itinataguyod ng Standard Insurance, Jinbei, Victory Liner, San Mig Coffee, Magnolia Purewater, Red Media, Foton, Maynilad, Kia, Sign Media, Integrated Waste Management Inc., Eurotel, American Vinyl, LBC at 7-Eleven.

Sa unang 15 kilometro pa lamang mula sa Bangui, Ilocos Norte ay naiwanan na ng mga foreign riders ang mga local bets hanggang sa tuluyan nang nakalayo sa sumunod na 30 kilometro sa Claveria.

 â€œLate na ‘yung dive naming sa lusungan kaya hindi na kami nakaabot,” dahilan ng nagdedepensang si Baler Ravina ng 7-Eleven Roadbike Phi-lippines na pitong minute at 15 segundo ang agwat sa nanalong si Lee para tumapos bilang No. 22.

“Mahaba pa naman ‘yung karera, kaya puwede pa kaming makahabol,” dagdag pa ng tubong Asingan, Pangasinan na mountain specialist.

 Ang kinatatakutan namang Tabriz Petrochemical Team ng Iran ang nanguna sa stage team classification buhat sa bilis nilang 13:47:40 kasunod ang CNN (13:51:03) at City of Perth Cycling Team (13:53:45).

Nakatakdang paka-walan ngayong umaga ang Stage Two kung saan distansyang 196 kms ang lalakbayin ng 74 siklista mula sa 10 foreign teams at limang local squads patungo sa Cauayan City, Isa-bela.

AMERICAN VINYL

ASIA TOUR

BALER RAVINA

CAUAYAN CITY

CITY OF PERTH CYCLING TEAM

CYCLING TEAM

DOUGLAS REPACHOLI

ELEVEN ROADBIKE PHI

GHADER IRANAGH MIZBANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with