Handa na ang lahat sa Le Tour
MANILA, Philippines - Sinasanay na ng mga foreign teams ang kanilang mga sarili para sa mainit na panahon sa bansa sa paghataw ng ikaapat na edisyon ng Le Tour de Filipinas bukas sa Bangui, Ilocos Norte.
Lunes pa lamang ay nagtungo na ang Hongkong-based Team Direct Asia kasama ang tatlo pang foreign squads sa nasabing probinsya para sa Le Tour na inihahandog ng Air21 katuwang ang San Miguel Corp. at Smart.
Sinabi ni race ma-nager Paquito Rivas, isang dating Tour champion at Eagle of the Mountain, na malaki ang magiging epekto ng init na 39 degrees Centigrade sa mga foreign cyclists.
At ang mga malalakas na sprinters at climbers ang siyang magkakaroon ng bentahe, ayon kay Rivas, ang kasalukuyang direktor ng PhilCycling.
Matapos ang Team Direct Asia, dumating naman noong Miyerkules ang continental squad na Polygon Sweet Nice (Malaysia) at ang mga club teams na Perth Cycling (Australia) at Korail Cycling Team (Korea).
Kasalukuyan nang nagsasanay ang nasabing mga koponan sa Pagudpod sa Ilocos Norte.
Nag-eensayo na rin sa Pagudpod ang mga local-continental squads na LBC-MVPSF Cycling Pilipinas at Team 7-Eleven-Roadbike Philippines kagaya ng Navy-Standard Insurance, Marines-Standard Insu-rance at American Vinyl.
Sumunod naman noong Huwebes ang mga continental teams na OSBC Singapore (Singapore), Terrenganu Cycling (Malaysia), CCN Cycling Team (Taiwan) at Tabriz Petrochemical (Iran) kasabay ang Atilla Cycling Club (Mongolia).
Pakakawalan bukas ang Le Tour sa 175.5-km Stage One mula sa Bangui, Ilocos Norte hanggang sa Aparri, Cagayan kasunod ang Stage Two na may distansyang 196 kms diretso sa Cauayan, Isabela at ang Stage Three, isang madaling 104-km race sa Bayombong, Nueva Vizcaya, at ang Stage Four ay 133.5 kms patu-ngong Baguio City.
Isang welcome cere-mony at hapunan ang itinakda ngayong gabi sa Pagudpod para sa four-day race kung saan inaasahang dadalo sina PhilCycling chairman Bert Lina at president Abraham Tolentino at Le Tour organizer Gary Cayton ng Dymanic Outsource Solutions, Inc.
- Latest