Ravina magtatanggol ng kanyang korona sa Le Tour de Filipinas
MANILA, Philippines - Nakatakdang idepensa ni Baler Ravina ang kanyang korona sa ikaapat na edisyon ng Le Tour de FiÂliÂpiÂnas na pakakawalan sa Sabado (Abril 13) sa Bangui, Ilocos Norte.
Nagkampeon si Ravina noong nakaraang taon bilang ikalawang Filipino na sumikwat sa International CyÂcling Union (UCI) multi-stage race.
Ngayong taon, sasagupain ng 31-anyos na tubong Asingan, Pangasinan ang isang 16-team, 80-cyclist field sa naturang four-stage summer sports spectacle na inihahandog ng Air21.
Magsisimula ang Le Tour sa 175.5-kilometer Stage One mula Bangui hanggang Aparri, Cagayan sa Sabado at sa Stage Two, pepedal naman ang mga sikÂlista sa kabuuang 196 kms distance patungong CauaÂyan, IsaÂbela at ang Stage Three ay isang madaling 104-km race papunta sa Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa Stage Four, isang mahirap na 133.5 kms race muÂla sa Bayombong hanggang Baguio City ang deÂdeÂterÂmina kung sino ang aangkin sa korona.
“Stage Four will bring out the best of these riders,†wiÂka ni Bert Lina, ang chairman ng PhilCycling at ng race presentor na Air21.
Kabuuang 11 foreign teams at limang local squads ang makikita sa aksyon.
Sa naturang mga delegasyon, siyam dito ay mga UCI continental teams.
Ang mga continental teams ay ang Terrenganu CyÂcling (Malaysia), OSBC Singapore (Singapore), CCN Cycling Team (Taiwan), Ayandeh Continental (UzÂbekistan), Tabriz Petrochemical (Iran), Synergy BaÂku Cycling Project (Azerbaijan) at Polygon Sweet Nice (Ireland).
Ang mga foreign club teams ay ang Perth Cycling (Australia), Team Direct Asia (Hongkong), Atilla Cycling Club (Mongolia) at Korail Cycling Team (Korea).
Ang LBC-MVPSF Cycling Pilipinas, Team 7-Eleven-Roadbike Philippines, Navy-Standard InsuÂrance, Marines-Standard Insurance at American Vinyl ang bubuo sa mga local teams.
- Latest