^

PM Sports

Donaire inaming hindi mapapantayan ang record ni Manny Pacquiao

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilang beses nang sinabing si Noni­to ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. ang su­sunod sa mga yapak ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

At ilang ulit na ring inihayag ng uni­fied world super bantamweight tit­list na marami pa siyang kakaining bigas para mapantayan ang karangalang nakamit ng 34-anyos na si Pacquiao.

“I don’t really think about follo­wing in his footsteps. I go in there and give the best performance that I can,” sa­bi ng 30-anyos na si Donaire, isang four-division titlist, sa panayam ng Bad Left Hook.

Si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) ang nag-iisang Asian boxer na nagkampeon sa walong magkakaibang weight divisions, habang nagkampeon naman si Do­naire (31-1-0, 20 KOs) sa weight classes.

Dalawang beses natalo si Pacquiao no­ong nakaraang taon, samantalang apat na­man ang naipanalo ni Donaire para hi­ra­ngin bilang ‘2012 Fighter of th Year’ ng iba’t ibang boxing websites.

Nakatakdang labanan ni Donaire, tu­bong Talibon, Bohol, si Guillermo Ri­gondeaux (11-0-0, 8 KOs) sa Abril 13 sa Radio City Music Hall sa New York.

vuukle comment

BAD LEFT HOOK

DONAIRE

FILIPINO FLASH

GUILLERMO RI

NEW YORK

PACQUIAO

RADIO CITY MUSIC HALL

SHY

SI PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with