^

PM Sports

Accel-PBA Press Corps player of the week

FM - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naniniwala ang maraming fans ni Dondon Hontiveros na bagama’t 35-anyos na ang kanilang idol – magiging 36 sa darating na Hunyo -- ay may ibubuga pa rin ito sa PBA, at hindi lamang bilang reliever o off-the-bench player.

Pinatunayan ito ni Hontiveros sa kanyang mga fans noong Biyernes nang ma-ging bayani sa come-from-behind na 89-84 overtime panalo ng Alaska kontra sa Rain or Shine sa PBA Commissioner’s Cup na nagbigay sa Aces ng solo lead sa team standings patungo sa huling dalawang linggo ng eliminations at halos sigurado na sa twice-to-beat advantage sa quarterfinals na unang round ng playoffs.

Nagtala ang player na tinaguriang Cebuano Hotshot ng 22 puntos, 7-of-10 mula sa three-point range, pitong rebounds at tig-isang assist at steal kontra sa Elasto Painters at 18 sa kanyang puntos ay ipinukol nito sa huling 17 minuto ng laro, karamihan ay  pagkatapos lumamang ng umabot sa 22 puntos sa third quarter ang Rain or Shine.

Hindi lamang naging Best Player of the Game ng AKTV television panel si Hontiveros, nahirang pa itong Accel Player of the Week ng PBA Press Corps para sa linggong April 1-7.

Ito ang kauna-unahang Player of the Week na parangal ni Hontiveros sa loob ng mahigit tatlong taon.

Hangang-hanga si Alaska head coach Luigi Trillo sa ipinakita ni Hontiveros.

“When the going gets tough for us he’s going to be tough inside because I know his positive attitude will rub off on his teammates,” pahayag ni Trillo. People keep talking about his 3s in the Rain or Shine game, but he also had key defensive steal and block against Jeff Chan and Paul Lee in overtime.”

Pero ayon kay Hontiveros na ipinakita ring nakabalik na ito mula sa kanyang naging ACL injury na nag-sideline sa kanya ng halos isang season, ibinibigay lamang niya ang kanyang makakaya para sa ikakaganda ng Alaska.

“I’m just trying to help the team in any way I can. Timing lang na maganda ang shooting ko, but it was a total team effort,” ani Hontiveros na nag-average lamang ng 5.6 ppg bago ang kanyang pagsabog kontra sa Rain or Shine.

vuukle comment

ACCEL PLAYER OF THE WEEK

BEST PLAYER OF THE GAME

CEBUANO HOTSHOT

DONDON HONTIVEROS

ELASTO PAINTERS

HONTIVEROS

JEFF CHAN AND PAUL LEE

LUIGI TRILLO

PLAYER OF THE WEEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with