Pacquiao posibleng lumaban sa Macau
MANILA, Philippines - Matapos si Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria, posibleng si Manny Pacquiao ang maging ikalaÂwang Filipino boxer na laÂlaban sa The Venetian reÂsort and hotel sa Macau ngaÂyong taon.
Ayon kay Bob Arum ng Top Rank Promotions, umaasa siyang mapapaÂpayag niya ang Filipino world eight-division chamÂpion na lumaban sa naturang venue sa kaÂbila ng kabiguan ni Viloria na maidepensa ang kanÂyang mga suot na WBO at WBA flyweight titles laÂban kay Mexican Juan Francisco Estrada via split decision noong SaÂbado ng gabi.
“I hope so. I certainly hope so,†sabi ni Arum sa posibleng pagdaraos ng laban ng 34-anyos na si Pacquiao sa The Venetian.
“That will not be this summer, but will maybe in the fall,†dagdag pa ng 81-anyos na promoter. “I know he has expressed his desire to fight here, so we are working on that.â€
Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na paÂhaÂyag si Pacquiao kung siÂno ang gusto niyang laÂbanan ngayong taon at kung kailan at saan ito gaÂgawin.
Ilan sa mga pangaÂlang lumilitaw ay sina Juan Manuel Marquez at TiÂmothy Bradley, Jr. na siyang tumalo kay Pacquiao noong nakaraang taÂon.
Isang split decision win ang kiÂnuha ni Bradley para agaÂÂwin kay Pacquiao ang suÂot nitong WBO welÂterweight title noÂÂong HunÂyo 9, habang piÂÂnatumba naman siya ng 39-anyos na si Marquez sa sixth round sa kaÂnilang ikaapat na salpukan noong DisÂyembre 8.
- Latest