Bernard King hihirangin sa Basketball Hall of Fame
NEW YORK --- Nakatakdang iluklok si Bernard King sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame Class of 2013, ayon sa mga ulat.
Isang official announcement ang gagawin sa LuÂnes sa Final Four sa Atlanta.
“He deserves it,†sabi ni New York Knicks forward Carmelo Anthony sa ESPN New York. “It’s about time. He deserved it a long time ago.â€
Kabilang si King sa starting line-up ng Knicks sa kanyang 15-year NBA career.
Sina King at Anthony lamang ang tanging mga Knicks players na umiskor ng 40 o higit pang puntos sa tatlong sunod na laro.
Nagtala si King, anim na beses na nabigyan ng noÂminasyon para sa Hall of Fame, ng average na 22.5 points para sa kanyang career.
Apat na seasons naglaro ang four-time All-Star sa Knicks.
Pinangunahan niya ang liga sa scoring mula sa kanÂyang 32.9 points per game noong 1984-85.
Una siyang naglaro para sa New Jersey Nets noÂong 1977 bago kumampanya para sa Utah Jazz, GolÂden State Warriors at Washington Bullets.
Tinapos niya ang kanyang career sa New Jersey noÂong 1993.
Ang Class of 2013 ay kinabibilangan din nina Louisville coach Rick Pitino, dating UNLV coach Jerry Tarkanian, nine-time NBA All-Star Gary Payton, dating Houston coach Guy Lewis at dating NBA and Olympic star Spencer Haywood.
Ang induction ceremonies ay nakatakda sa SetÂyembre.
- Latest