Bagama’t natalo, Viloria nangakong babangon
MANILA, Philippines - Naranasan na ni Brian ‘The Hawaiin Punch’ ViÂloria na magkampeon at maÂwalan ng korona.
Sa kanyang split deciÂsion loss kay Mexican chalÂlenger Juan Francisco EsÂtrada noong Sabado ng gabi sa Cotai Arena ng The Venetian Casino ReÂsort Hotel sa Macau, siÂÂnabi ni Viloria na hindi pa tapos ang kanyang boÂxing career.
“To my Filipino fans, I apologize for letting you down. But I promise you, I will come back from this setback, and make you proud once again,†saÂbi ng 32-anyos na si Viloria sa kanyang Twitter account matapos isuko ang kanyang mga suot na WBO at WBA flyweight titles sa 22-anyos at mas matangkad na si Estrada.
Dahil sa kabiguan, nagÂÂtapos ang three-year, six-fight winning streak ni Viloria.
Huling nakalasap ng pagÂkatalo si Viloria noÂong Enero ng 2010 nang agawin sa kanya ni Carlos Tamara ang dating haÂwak niyang IBF light flyweight belt sa Cuneta AsÂtrodome sa Pasay City.
Dati na ring nawalan si Viloria ng WBC light flyÂweight crown nang maÂÂtalo kay Omar Niño RoÂmero noÂong 2006.
Sa kanyang pagbaÂngon buhat sa kabiguan kay Tamara, inangkin ni Viloria ang WBO flyweight belt kasunod ang pag-agaw ng WBA title ni Mexican Hernan `Tyson’ Marquez via tenth-round KO noong nakaraang taÂon.
Ayon kay Viloria, muli siyang babawi para bawiin ang kanyang mga nawalang korona kay Estrada.
“Everybody knows me as the comeback kid. I lost at times, but come back again very strong, and prove to everyone in the boxing world that I’ll be a force to reckon with again,†sabi ng dating US Olympic Games campaigner.
Maaaring hamunin ni Viloria si Estrada para sa isang rematch.
“I just have to do some things I need to do in the gym for me to correct some of those things,†ani Viloria.
- Latest