Bigay todo: Viloria vs Estrada ngayon
MACAU – Walang naging problema si Brian Viloria sa pag-abot ng timbang at handa na siyang idepensa ang kanyang WBO at WBA flyweight titles kontra kay Mexican Juan Francisco Estrada sa Cotai Arena ng The Venetian Hotel dito ngayong gabi.
Dahan-dahang tumuntong sa timbangan si Viloria at tiningnan ang electronic reading. Tumimbang siya ng 111.3 pounds habang ang kanyang kalaban ay may bigat na 112 lbs. flat para sa kanilang 12-round fight na nakatakdang magsimula dakong alas-10:00 ng gabi.
Agad bumaba ng timbangan si Viloria at hindi na nagpakita ng kanyang muscles. Humarap siya kay Estrada ng ilang segundo bago tumalikod at dumampot ng isang bote ng energy drink at umalis ng stage.
Mas matangkad ng kaunti si Estrada kay Viloria. Nagsuot ito ng Mexican hat pagkatapos ng weigh-in at humarap sa mga camera para ipakita ang kanyang matikas na pangangatawan.
Itataya ang lahat ng 32-gulang na si Viloria sa laban na ito-- ang kanyang mga titulo at posibleng pati ang kanyang kinabukasan.
Matapos pabagsakin Hernan ‘Tyson’ Marquez noong November, siya ang naging unang unified flyweight champion sapul noong 1965.
Si Estrada ay 10 gulang lamang nang lumaban si Viloria sa 2000 Sydney Olympics. Masuwerte siya at nagkaroon ng pagkakataong labanan si Viloria matapos matalo sa 12-round fight kontra kay Roman Gonzales para sa light-flyweight title noong November.
Titiyakin naman ni Viloria na lilisanin niya ang lugar na ito na bitbit ang kanyang mga WBO at WBA belts.
“I’m not going to give up this championship that easy,†aniya. “I fought my way tooth and nail to get to this point. There’s a lot more ways to go. There are bigger and better things ahead. I don’t know how bigger and better it can get after this but I feel I’m on the right track and I want to stay on this track.â€
Plano ng reigning champion na bumanat ng maaga at tingnan na lamang kung ano ang mga susunod na mangyayari. Sinabi rin niyang handa siya kung tatagal ang kanilang laban ng 22-gulang na Mexican.
“I want to use all my tools. It’s all about being able to adjust. We’ll see. That’s always my plan – to start strong and adjust accordingly. I don’t want to fight a one-dimensional fight. My stamina is there. I’ve been going 10 or 12 rounds (sa training) without skipping a heartbeat,â€ani Viloria.
“I will give my all inside the ring as always. I’m excited,†sabi naman ni Estrada kamakalawa na nagsabi ring komportable na siyang lumaban sa 112 lbs division kung saan natalo siya sa close fight kontra kay Gonzales.
“I feel stronger now,†sabi ni Estrada.
Nagsanay si Viloria ng mahigit dalawang buwan sa Wild Card Gym sa Los Angeles, sa ilalim ni Filipino Marvin Sonsona na binabantayan ni Freddie Roach.
- Latest