^

PM Sports

NLEX bumalik na ang dating tikas

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Limang manlalaro ng nagdedepensang kampeon na NLEX Road Warriors ang gumawa ng 12 puntos pataas para katampukan ang 106-84 pagdurog sa Boracay Rum sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Pinag-init ni Jake Pascual ang laban ng Road Warriors nang maghatid ng 15 sa nangungunang 19 puntos sa unang yugto tungo sa 26-18 kalama-ngan bago tumulong sina Nico Salva, Kirk Long, Kevin Alas at RR Garcia upang tuluyang iwanan ang Waves.

“Maganda ang inila-laro ni Jake sa team lalo na ngayong wala ang mga big men namin. Siya ang nakatulong para lumabas ang energy ng team,” wika ni Road Warriors coach Boyet Fernandez na may 2-2 karta na.

May 11 rebounds pa si Pascual habang si Salva ay may 17 puntos. Pinaghatian nina Long at Alas ang 26 puntos at 12 pa ang ibinigay ni Garcia.

Sina Kenneth Acibar at Jeff Viernes ay may tig-21 puntos pero ang mahinang panimula ang nagtulak para bumaba ang Waves sa 3-3 baraha.

Gumawa naman ng career-high na 29 puntos upang solohin ni Eluid Poligrates ang pagbalikat sa opensa ng Cagayan Valley nang tinalo ang Fruitas, 80-74, sa isa pang laro.

Mayroong 21 at 20 puntos sina Mike Parala at Mike Silungan para pangunahan ang Cafe France sa 107-92 pamamayagpag sa EA Regen Med sa ikatlong laro at saluhan ang pahingang Blackwater Elite sa unang puwesto sa 4-1 karta.

Ang tagumpay ng Rising Suns sa Shakers ang tumapos sa three-game winning streak ng huli.

vuukle comment

BLACKWATER ELITE

BORACAY RUM

BOYET FERNANDEZ

CAFE FRANCE

CAGAYAN VALLEY

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ELUID POLIGRATES

GARCIA

JAKE PASCUAL

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with