Yap maglalaro sa kanyang ika-10 sunod na All-Star
MANILA, Philippines - Isang PBA record na pang-sampung sunod na beses nang magiging starter ng PBA All-Star Game si James Yap ng San Mig Coffee.
Pangungunahan nina Yap at ang reigning leaÂgue MVP na si Mark CaÂguioa ng Barangay GiÂnebra ang mga PBA All-Stars na lalaban sa Gilas PiÂlipinas sa annual All-Star Game na gaganapin sa Digos City sa Mayo 5.
Mula nang pumasok sa PBA bilang No. 2 overÂall pick ng Purefoods sa likod ni Rich Alvarez ng Shell, naging starter na sa All-Star Game si Yap kahit ano pa man ang naÂging format ng All-Star Game – North vs South, VeÂterans vs. Rookies-SoÂphomores-Juniors o National team kontra sa PBA All-Stars.
Si Yap at si Jimmy AlaÂpag, kabilang sa 17 plaÂyers na nasa National team pool ni head coach Chot Reyes, ay masasaÂma sa maliit na grupo ng mga players sa buong kasaysayan ng PBA All-Star Game na nakapagÂlaro sa higit sa 10 ASG na sina Alvin Patrimonio at Asi Taulava (tig-12), Dondon Hontiveros at JerÂry Codiñera (tig-11) at VerÂgel Meneses at Dindo Pumaren (tig-10).
Noong nakaraang taon sa Laoag City ay nagtala ng All-Star Game record na 44 points si Yap para magbida sa 176-144 paÂnaÂlo ng Veterans laban sa Rookies-Sophomores-Juniors All-Stars.
Bukod kina Yap at CaÂguioa, ang ibang starters ng PBA All-Stars ay si Arwind Santos ng Petron Blaze at sina rookies Calvin Abueva ng Alaska at Chris Ellis ng GiÂnebra.
Ang magiging off-the-bench players naman ng All-Star selection ay sina Niño ‘KG’ Canaleta ng Air21, Marcio LassiÂter, Alex Cabagnot at Jay WaÂshington ng Petron Blaze, Cyrus Baguio at Jvee CaÂsio ng Alaska at Beau BelÂga ng Rain or Shine.
Bukod kay Alapag, ang iba pang players na naÂsa Gilas Pilipinas pool ay sina naturalized player MarÂcus Douthit, Kelly WilÂliams, Ranidel de Ocampo, Jayson Castro, JarÂred Dillinger, Larry FoÂnacier at Ryan Reyes ng Talk ‘N Text, Jeff Chan at Gabe Norwood ng Rain or Shine, LA Tenorio ng Barangay Ginebra, rookie June Mar Fajardo ng Petron Blaze, Marc Pingris ng San Mig Coffee, Gary David at Japeth Aguilar ng Globalport, Sonny Thoss ng Alaska at cadet player Greg Slaughter.
Ang pangalawang StalÂwarts vs Greats PBA All-Star ay gaganapin sa MaÂyo 3.
- Latest