High Voltage wagi sa Asistio Stakes Race
MANILA, Philippines - Punung-puno ng kuryente ang High Voltage para mapagharian ang 2nd Macario B. Asistio, Sr. Stakes Race na siyang tampok na karera kahapon sa San LaÂzaÂro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Ginabayan ni jockey Pat Dilema sa ikalawang sunod na pagÂkakataon, napangatawanan ng kabayong laÂhok ni Hermie Esguerra ang pagiging slight favoÂrite kasama ang coupled entry na Raon, nang hindi paporÂmahin ang nakatunggaling Jahan sa 1,400-metrong karera patungo sa panalo.
Agad na inilusot ni Dilema ang kabayo sa pagbukas ng aparato at nagdikta ng matuling tiyempo para iwaÂnan ng halos apat na dipa ang mga naghahabol.
Sinikap ni Baldonido na pag-initin ang Jahan at tila nagawa niya ito nang agawin ang ikalawang puwesto sa Well Well Well pero hindi nagbago ang tikas ng naÂsa unahang High Voltage para manatili ang tatlong dipang agwat na kalamangan hanggang sa meta.
May 1:29 winning time ang High Voltage sa kuwartos na 12’, 25, 25, 27’ para halos pantayan ang 1:25 tiyempo na ginawa sa kaparehong distansya noong PebÂÂÂrero 24 sa Metro Turf Club.
Huling nanalo ang nasabing kabayo noon pang PebÂrero 1 sa race track na pag-aari ng Manila Jockey Club Inc., ang tagumpay ay nagresulta para angkinin ang P180,000.00 gantimpala.
Ang Jahan, pumangatlo sa Lakambini Stakes Race noong nakaraang taon, ay tumapos sa ikalawang seÂgundo puwesto matapos ang huling karera noong Marso 19.
Dahil dikit ang bentahan, pumalo pa sa P9.50 ang ibiÂnigay sa win ng High Voltage, habang ang liyamadong 4-5 forecast ay nagpamahagi pa ng P19.00 dibiÂdendo.
- Latest