Pachulia hindi na makakalaro sa season
ATLANTA -- Sasailalim si Atlanta Hawks center ZaÂza Pachulia sa isang surgery para sa kanyang suÂmaÂÂsakit na kanang Achilles at hindi na makakalaro ngaÂyong season.
Sinabi ng Hawks na nakatakda ang surgery ng 29-anyos na si Pachulia sa Miyerkules sa Charlotte, N.C.
Anim na buwan ang posibleng itagal ng pag-recoÂver ni Pachulia.
At maglalaro ang Hawks sa NBA Playoffs na wala ang isa pang mahalagang miyembro ng bench.
Nauna nang nawala sa koponan si guard Lou Williams na nagkaroon ng knee injury.
“‘I think this is the right decision,†wika ni Pachulia bago labanan ng Hawks ang Orlando Magic. “I’ll be able to come back as soon as possible. It’s a partial tear ... I’ll take this injury rather than a total rupture.â€
Sa 52 laro ngayong season, nagtala si Pachulia ng mga averages na 5.9 points, 6.5 rebounds at 1.5 assists sa loob ng 21.8 minuto.
Nakatakda siyang maging isang unrestricted free agent sa pagtatapos ng season.
Hindi rin nakalaro para sa laban ng Hawks kontra sa MaÂgic sina center Al Horford at backup guard John JenÂkins.
- Latest