Oklahoma City umiskor sa Milwaukee; Nowitzki itinakas ang Dallas sa Chicago
MILWAUKEE -- NaiÂwaÂnan ng limang puntos sa fourth quarter, kinuha ng Oklahoma City Thunder ang pagkakataon para ipakita ang kanilang husay.
Umiskor si Kevin DuÂrant ng 30 points at nagÂtala naman si Russell Westbrook ng isang triple-double para bandeÂrahan ang Thunder sa 109-99 panalo kontra sa MilÂwaukee Bucks noong SaÂbado ng gabi.
Ginamit ng Thunder ang isang 19-2 atake sa fourth quarter para sa ikaÂapat nilang panalo sa huÂling limang laro.
Imbes na opensa ang kanilang ipinanglaban, ang matibay na depensa ang ginamit ng Oklahoma CiÂty para gibain ang Milwaukee.
“I told them we had to take some pride in our deÂÂfensive possessions,’’ saÂÂbi ni Thunder coach Scott Brook. “It was an inÂdiÂviÂdual effort by a lot of guys. Serge Ibaka did a pheÂnoÂmenal job protecÂting the basket and blocÂking and altering their shots. Russell and Kevin did a good job defending their plaÂyers.’’
Kinuha ng Bucks ang isang five-point lead sa kaÂagahan ng fourth quarter.
Anim na puntos at anim na turnovers ang naÂgawa ng Milwaukee sa suÂmunod na tagpo.
Nalimita rin ang scoÂrer ng Bucks na si Monta Ellis sa 9 points.
Tumapos si Westbrook na may 23 points, 10 assists at 13 rebounds. haÂbang nagdagdag si KeÂvin Martin ng 17 points.
Inaasahan namang maÂkakasama si Durant kay Larry Bird bilang ikaÂlawang NBA player na nagposte ng average na 28 points mula sa 50 perÂcent fieldgoal shooting, 90 percent clip sa free throw line at 40 percent sa 3-point range.
Ginawa ito ni Bird noÂong 1986-1987 season.
Humakot naman si Ersan Ilyasova ng 29 points at 14 rebounds para sa MilÂwaukee.
Sa Dallas, nagsalpak si Dirk Nowitzki ng isang three-pointer sa natitirang 2.9 segundo para itakas ang Dallas Mavericks konÂtra sa Chicago Bulls, 100-98.
“This game was kind of like the story of our season,†wika ni NowitzÂki, tumapos na may season-high 35 points.
Iniwanan ng Bulls ang Mavericks mula sa isang 12-point lead sa fourth quarter, ngunit iniskor ni Nowitzki ang huling waÂlong puntos ng Dallas sa kaÂnilang 15-1 atake sa huÂling 3:30 minuto sa laÂro.
Matapos ang mintis na dalawang free throws ni Jimmy Butler sa huÂling 15.9 segundo para sa Bulls, sumalaksak si Vince Carter at pinasahan si Nowitzki na nasa 3-point line.
Isinalpak ni Nowitzki ang isang tres sa kabila ng paghabol sa kanya ni LuÂol Deng.
Itinaas ni Nowitzki ang kanyang mga kamay haÂbang pabalik sa Dallas bench.
Tumalbog naman ang jumper ni Chicago pointguard Nate Robinson sa pagtunog ng final buzzer na nagtabla sana sa laro paÂtungo sa overtime.
- Latest