Rain or Shine pasok sa quarterfinal round
MANILA, Philippines - Tinalo ni Air21 import Michael Dunigan si Rain or Shine reinforcement Bruno Sundov, 34-23, sa kanilang shootout pero si Sundov ang nagkaroon ng huling haÂlakhak nang magwagi ang Elasto Painters, 94-83, sa kanilang rematch sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa SM MOA AreÂÂna sa Pasay City.
Dahil sa pangatlong suÂnod na panalo ng Rain or Shine ay nakopo nito ang pangalawang quarterfinals berth at sumosyong muli sa liderato kasama ng Alaska.
Bagama’t nagtapos na may game-high sa scoring bukod sa 15 rebounds, 6 assists at 3 shotblocks, nilimitahan naÂman sa tatlong puntos si Dunigan sa huling yugto ng laro habang nasa bench si Sundov dahil sa limang fouls.
Nagdagdag ng 16 at 13 puntos sina Jeff Chan at Ryan Araña, ayon sa pagÂkakasunod, para sa Rain or Shine, ayon sa pagkakasunod, samantalang si KG Canaleta lamang ang local na umiskor ng double figures para sa Expres, naputol ang all-time franchise best na four-game winning streak.
Matapos ang dikitang first quarter, 1818, pinaÂmuÂnuan ni Dunigan ang isang 15-7 run ng Air21 na nagbigay sa kanila ng 33-27 bentahe.
Pero ang 11 puntos ni Sundov naman ang nagÂbida sa isang 18-5 na ganti ng Elasto Painters para agawin ang 45-38 abante sa halftime.
May 18 puntos sa first half pa lamang si Sundov, angat baÂhagya sa 17 na iniskor ni Dunigan.
Rain or Shine 94 - Sundov 23, Chan 16, Araña 13, Tiu 8, Cruz 8, Rodriguez 8, Lee 7, Quiñahan 5, Norwood 2, Belga 2, Ibañes 2, Matias 0, Jaime 0, Tang 0.
Air21 83 - Dunigan 34, Canaleta 12, Menor 7, OmoÂlon 7, Cortez 6, ArboÂleda 5, Wilson 4, Ritualo 4, Sena 2, Isip 2, Baclao 0, CusÂtodio 0.
Quarterscores: 18-18; 45-38; 63-64; 94-83.
- Latest