^

PM Sports

Miami nakabawi agad

Pang-masa

NEW ORLEANS -- Bumangon ang Miami Heat mu­la sa kanilang unang kabiguan sa loob ng dala­wang buwan para muling magsimula ng isa na namang winning streak.

Tumipa si LeBron James ng 36 points, kasama di­to ang anim na magkakasunod na 3-pointers sa halos anim na minuto sa first half, upang pamunuan ang Heat sa 108-89 paggiba laban sa New Orleans Hornets noong Biyernes ng gabi.

Noong Miyerkules ay nagwakas ang 27-game win­ning streak ng Miami nang matalo sa Chicago Bulls.

Ang panalo naman ng Heat kontra sa Hornets ang nagbigay sa kanila ng top seed para sa Eastern Conference Playoffs.

Nag-ambag si Dwyane Wade ng 17 points at 7 assists para sa Heat.

Umiskor naman si Ryan Anderson ng 20 points mu­la sa bench para sa Hornets, habang may 17 si Eric Gordon.

Sa San Antonio, nagposte si All-Star Tim Duncan ng season-high 34 points, tampok dito ang game-winning three-point play sa huling 2.2 segundo, para igiya ang Spurs sa 104-102 panalo laban sa Los Angeles Clip­pers.

Nagtala naman si Tony Parker ng 24 points at 8 assists para sa San Antonio.

Binanderahan ni Blake Griffin ang Clippers mula sa kanyang 18 points kasunod ang 16 ni Jamal Crawford at 14 ni Chris Paul.

ALL-STAR TIM DUNCAN

BLAKE GRIFFIN

CHICAGO BULLS

CHRIS PAUL

DWYANE WADE

EASTERN CONFERENCE PLAYOFFS

ERIC GORDON

JAMAL CRAWFORD

LOS ANGELES CLIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with