Bobby Parks namatay dahil sa kanser
MANILA, Philippines - Tuluyan nang iginupo ng kanyang sakit na kanser si seven-time PBA Best Import awardee Bobby Parks, Sr. kaÂhapon.
Si Parks, dating head coach ng San Miguel Beermen sa Asean BasÂketÂball League, ay 51-anyos.
Nauna nang nakitaan ng laryngeal cancer si Parks noong nakaraang taon bago ito lumala nitong PebÂÂreÂro.
Inihayag ng kanyang pamilya ang paglisan ni Parks ganap na alas-4:55 ng hapon sa San Juan De Dios Hospital.
Isa sa mga nalungkot sa pagkamaÂtay ni Parks, ang anak na si Bobby Ray ay isang UAAP MVP awardee paÂra sa National University Bulldogs, ay si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes.
Idinaan ni Reyes ang kanyang pakikiÂdalamhati sa pamamagitan ng kanyang TwiÂtter account.
“More than his 7 Best Import Awards Bobby brought in an un import-like work ethic, in contrast to d ‘pa-star’ ways of most imports then & now,†wika ni ReÂyes sa 6-foot-4 na si Parks.
Iminungkahi din ni Reyes kay PBA ComÂmissioner Chito Salud na tawaging ‘Bobby Parks Trophy’ ang Best Import award.
“In response to twitter clamor, My text to Com Salud: ‘Maybe d PBA can name d Best Import Award as d “Bobby Parks Trophyâ€, ani Reyes.
- Latest