^

PM Sports

Fine Bluff mangunguna sa labanan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagsisikapan ng kabayong Fine Bluff na mapaig­ting ang pagpapanalo sa pagtakbo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite sa Sabado.

Pahinga ang aksyon sa hanay ng mga mahuhusay na kabayo ngayon at bukas bilang paggunita ng Hu­we­bes Santo at Biyernes Santo, pero balik ang regular na programa sa Sabado na kung saan may 11 karera ang nakahanay sa maghapon.

Tatlong 3YO Handicap races ang mapapanood at sa unang karera ay may siyam ang maglalaban-laban pa­ra dominahin ang 1,200m karera.

Mangunguna sa kasali ay ang Fine Bluff na hawak ni Dan Camañero at balak na palawigin ang dalawang sunod na pagpapanalo na naitala noong Marso 15 at 19 sa nasabing race track.

Mapapalaban ito sa coupled entries na Honour Class at Flying Honor at ang huli ay manggagaling mu­la sa segundo puwestong pagtatapos noong Marso 13.

Inaasahang palaban din ang Mighty Seuz at Nia­gara Boogie na may pruweba sa distansya na 1:17 at 1:18.

Sa race 4 ang ikalawang 3YO Handicap race at 11 ang magsusukatan at ipinalalagay na magbabanggaan sa karera ang Connor Topnotcher ni JB Bacaycay at Sio­paokinghaha.

Mula sa panalo ang Connor Topnotcher ay may pru­weba na 1:18 sa paglalabanang distansya na siya ring pinakamagandang tiyempo ng Siopaokinghaha na gagabayan ni Rodero Fernandez.

BIYERNES SANTO

CONNOR TOPNOTCHER

DAN CAMA

FINE BLUFF

FLYING HONOR

HONOUR CLASS

MARSO

MIGHTY SEUZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with