Phil nagbida sa kampeonato ng Azkals
MANILA, Philippines - Tinapos ng Pilipinas ang dominasyon ng Turkmenistan nang kunin ang 1-0 panalo sa pagtatapos ng 2014 AFC Challenge Cup Group E Qualifiers kagabi sa Rizal Memorial Football Stadium.
Kinumpleto ni Phil Younghusband ang magandang ipiÂnakita sa kompetisyong nagdetermina kung sino ang dalawang bansa na aabante sa Maldives sa 2014 nang maipasok ang ikalimang goal sa torneo sa 66th minuto ng tagisan.
Nasuwertehan ni Younghusband na makuha ang mintis na bola ni Javier Patiño bago sinipa ang bola na tumamÂa pa sa defender ng Turkmen bago dumiretso sa goal upang magdiwang ang libu-libong Filipino football fans na sinaksihan ang huling laban ng kompetisyon.
Tumapos si Younghusband bitbit ang kahanga-haÂngang limang goals sa tatlong nasyon na torneo at ang Pilipinas ay hindi natalo matapos ang tatlong laro para makabalik sa Challenge Cup.
Naibaon din ng panalo ang 2-1 pagkatalo ng Pilipinas sa Turkmenistan sa huling pagtutuos sa semifinals ng 2012 Challenge Cup sa Nepal.
Tinapos ng Turkmenistan ang labanan bitbit ang 2-1 karta para makapantay ang India para sa ikawalo at huling puwesto sa Maldives.
Pero ang 2012 runner-up ang siyang aabante dahil sa taglay na 9 goal difference laban sa 4 lamang ng India. Samantala, napapanahon na para magising ang pamunuan ng football sa bansa upang tiyakin na hindi na magkakawatak-watak pa ang mga manlalaro na bumubuo ng itinuturing na pinakamalakas na football team na nabuo ng bansa.
“We’re always talking about dream team but it’s a dream to get these players to participate in matches together,†wika ni Azkals coach Hans Michael Weiss.
Naipakita ng Azkals na binubuo ng mga matitikas na Fil-Foreigners tulad nina Stephan Schrock, Patiño at Younghusband, ang bangis ng pinagbuklod na puwersa nang kunin ang 8-0 panalo sa Cambodia sa 2014 AFC Challenge Cup Group E Qualifiers noong Linggo.
Ang panalo ang ikalawang pinakamatinding tagumÂpay na naitala ng Pilipinas sa international tournament matapos ang 15-2 sa Japan noon pang 1917 Far Eastern Games.
Samantala, dumalo si Mel Macasaet ng Melmac Sports Management, ang sporting agency na humahawak kay Stephan Schrock sa PSA forum kahapon kasama sina Azkals team coordinator Patrick Ace Bright at Accel marketing head Jacob Manlapaz.
Sinabi ni Manlapaz na pumirma si Schrock ng isang five-year contract sa sports outfitter para maging ikatlong miyembro ng National football team na endorser ng apparel matapos sina two-time PSA Mr. Football awardee Chieffy Caligdong at Misagh Bahadoran.
- Latest