Royce White babalik sa kanyang NBA D-League team
Matapos iwanan ang NBA Developmental League team na Rio Grande Valley Vipers na walang permiso noong nakaraang linggo, magbabalik si Houston Rockets first-round pick Royce White sa koponan, wika ng sources sa Yahoo! Sports.
Inihayag ni White, mayroong anxiety disorder, na isang team doctor ang nagsabi sa kanya na mas makakabuti na iwanan niya ang Vipers at paghandaan ang susunod na season.
Ngunit walang permiso ang organisasyon na ibi-nigay kay White.
Sa posibleng pagpataw sa kanya ng ikalawang suspensyon nang walang bayad ngayong season, plano ni White na muling isuot ang uniporme ng Vipers laban sa Tulsa sa Huwebes.
Nagkaroon ng sigalot ang No. 16 overall pick noong 2012 NBA draft na si White at ang Rockets dahil sa pagliban niya sa kanilang mga team practices, workouts at team commitments.
Matapos ang isang three-week suspension noong Enero, pumayag na si White na dalhin siya ng Rockets sa D-League.
Sa kabila ng bigat na 300 pounds, nagtatala si White ng mga averages na 9.6 points at 5.6 rebounds sa 12 laro para sa Rio Grande.
Ang bahagi ng anxiety disorder ni White ay ang pagbiyahe na sasakay ng eroplano.
- Latest