Blackwater bumangon
MANILA, Philippines - Nag-alab ang pagla-laro ng Blackwater Sports sa second half upang makumpleto ang pagbangon mula sa 18-puntos pagkakalubog at kunin ang 87-80 panalo sa Cebuana Lhuillier sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Si Allan Mangahas ay mayroong 21 puntos, 7 rebounds, 4 assists at 3 steals habang si Kevin Ferrer ay may 16 puntos at 7 boards pero malaki ang suportang nakuha ng dalawa sa bench para umangat sa 3-1 karta.
Si Justine Chua at James Mangahas ay nagsanib sa 5-puntos matapos ang 68-all iskor para tuluyang iwanan ang Gems na lumamang ng 35-17 sa second period.
“Ang mga reserves ko ang nagbigay ng added ener-gy sa team,†wika ni Elite coach Leo Isaac.
Nalasap ng Gems ang ikalawang pagkatalo matapos ang apat na laro at ininda nila ang mahinang pag-lalaro sa second half nang makapagpasok lamang ng walo sa 31 buslo bukod pa sa pagtala ng12 turnovers.
Tinapos naman ng NLEX Road Warriors ang dala-wang dikit na pagkatalo nang durugin ang baguhang Hog’s Breath, 90-54, sa ikalawang laro.
Si Jake Pascual ay naghatid ng 13 puntos at 12 rebounds habang ang mga shooters na sina Garvo Lanete at RR Garcia ay mayroong 18 at 14 puntos para sa Road Warriors na binuksan ang labanan sa pamamagitan ng 20-10 iskor matapos ang unang yugto.
- Latest