^

PM Sports

Dedma ang mama

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

May isang mama, binigyan ng parangal ng isang malaking grupo ng mga sportswriters na PSA (Philippine sportswriter Association).

Ang parangal ay ang highest award na ibinibigay ng grupo sa isang atleta.

Hindi sumipot ang mama. Kasalukuyan siyang nasa kasagsagan ng training para sa kanyang nalalapit na mabigat na laban kaya hindi siya nakarating.

Ni-hay, ni-ho, walang ipinarating ang Mama.

Katuwiran niya, wala siyang pormal na imbitasyon. Hindi niya alam daw kung kanino siya magpapaabot ng mensahe. Mayroon daw siyang mga nakausap na mga sportswriters at sinabi niyang hindi siya makakarating.

Ang mga taong nakausap niya ay hindi tao ng PSA.

Bina-bash ang Pinoy sportswriters sa mga social network dahil hindi raw makaintindi ang mga miyembro ng PSA sa sitwasyon ng mama.

Hindi naman pinilit ng PSA na dumalo ang mama. Wala nang iba pang higit na mas makakaintindi ng kaila-ngang preparasyon ng mga atleta para sa isang laban kundi ang mga sportswriters. Simpleng mensahe lang ang hinihintay ng PSA.  Simpleng pasabi. Simpleng pasasalamat.

Kausap ng PSA ang mga tao ng mama para iparating ang nasabing pagbibigay ng award. Iparara-ting daw nila ang mensahe sa mama.

Alin sa dalawa, walang pakialam ang Mama sa parangal na ibinigay sa kanya ng PSA o walang pakialam ang kanyang mga tao?

Sa likod ng pangyayaring ito, matagum-pay at masayang nairaos ng mga sportswriters ang PSA Awards noong Marso 16 kahit wala ang mama dahil dumating naman ang iba niyang co-Athletes of the Year na sina lady boxer Josie Gabuco, Team Manila Women’s softball squad at Ateneo Blue Eagles.

Hangad pa rin ng PSA ang tagumpay ng mama sa nalalapit niyang laban at hiling namin na marami pa siyang parangal na aanihin.

 

ATENEO BLUE EAGLES

ATHLETES OF THE YEAR

BINA

JOSIE GABUCO

MAMA

PSA

SIMPLENG

TEAM MANILA WOMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with