^

PM Sports

Ravina markado sa 2013 LeTour

Pang-masa

MANILA, Philippines - Markado na si Baler Ravina sa 2013 Le Tour de Filipinas.

Ngunit hindi lamang ang karangalan ng tubong Asingan, Pangasinan ang nakataya sa torneo kundi maging ang pangalan ng Pilipinas sa world cycling map.

“Gagawin ko ang lahat para maidepensa ang korona ko. Naghintay at naghanda ako ng isang taon para maging back-to-back champion,” wika ng 31-anyos na si Ravina, ang ikalawang Filipino matapos ang 14 taon na nagkampeon sa International Cycling Union (UCI) race matapos si Warren Davadilla noong 1998 Marlboro Centennial Tour.

Ang karerang Bayombong, Nueva Viscaya-Baguio City final Stage Four ng ikaapat na edisyon ng Le Tour de Filipinas ang magdedetermina kung sino ang tatayo sa entablado sa Burnham Park finish.

Ang Stage Four ay may distansyang 133.5 kilome-tro ngunit magkakasubukan ng husto sa Cordilleras, ngayon ay tinatawag na Northern Green Alps, na siyang hahamon sa tibay ng mga siklista.

Ang nasabing yugto ng karera ay 90 porsi-yentong paakyat at pababa kumpara sa Kennon Road papuntang Baguio City na 42 kms.

Magkasunod na nagtapos sina Joel Calderon, dating kumampanya para sa Team Mail and More at Ravina, pumadyak para naman sa Go21, sa magkatulad nilang oras na 4-oras, 36 minuto at 6 segundo sa nakaraang karera.

“That time submitted by Calderon and Ravina stands as the record of the latest and biggest challenge in Philippine cycling,” sabi ni Gary Cayton, ang chairman ng race organizer na Dymanic Outsourse Solutions, Inc. “The time to beat, and whoever does has a great chance of becoming the champion this year.”

vuukle comment

ANG STAGE FOUR

BAGUIO CITY

BALER RAVINA

BURNHAM PARK

CALDERON AND RAVINA

DYMANIC OUTSOURSE SOLUTIONS

FILIPINAS

GARY CAYTON

INTERNATIONAL CYCLING UNION

LE TOUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with