Ikaapat na sunod para sa Express: Caguioa nagkaroon ng MCL sa kaliwang tuhod
MANILA, Philippines - Halos tinriple ng Air21 ang iskor ng Globalport sa third quarter na naging mitsa sa 87-72 panalo ng Express kagabi sa 2013 PBA Commissioner’s Cup sa Smart AraÂneta Coliseum.
Bukod sa pag-angat sa solong pang-lima sa stanÂdings sa kanilang 5-5 na panalo-talo karta dulot ng pang-apat na sunod na panalo nito ay naitala din ng Air21 ang pinakamahabang winning streak mula nang pumasok sa PBA noong nakaraang seaÂson bilang Shopinas.com.
Tinapatan ni Wynne ArÂboleda, naka-siyam na puntos sa third quarter, ang iniskor ng buong koponan ng Batang Pier sa nasabing yugto para magbida sa pagbabalik ng Express mula sa pagkabaon na umabot sa 14 puntos sa first half.
Nagtapos ng may 12 puntos, 6 rebounds at 5 assists si ArboÂleda.
Ito ang pang-pitong sunod na kabiguan ng GloÂbalport bagama’t nagÂpaÂrada ng bagong import sa katauhan ni Sylvester Morgan na nagtapos na may 23 points, 12 rebounds, 4 blocks, 2 steals at 1 assist.
Isang 14-3 run na piÂnamunuan nina Japeth AguiÂlar at Sol Mercado ang nagbigay sa GlobalÂport ng 20-11 kalamaÂngan mula sa 6-8 na pagkadehado sa unang yugto.
Sa second quarter ay nakisama na rin sa scoÂring sina Willie Miller at Mark Yee na nagsanib sa isang 8-0 run at palobohin pa sa pinakamalaking 29-15 ang bentahe ng Batang Pier.
Samantala, hindi maÂkaÂkapaglaro si Mark CaÂguioa para sa Ginebra, itataya ang three-game winning streak laban sa Barako Bull, ngayon sa Big Dome.
Napag-alamang may Grade 1 MCL (medial colÂlateral ligament) injury ang reigning MVP matapos ma-hyperextend nito ang kanyang kaliwang tuÂhod sa 84-81 panalo ng Kings kontra sa Meralco Bolts noong Biyernes.
Air21 87 - Dunigan 22, Canaleta 14, Cortez 14, Omolon 13, Arboleda 12, Ritualo 6, Isip 4, Wilson 2, Sena 0, Baclao 0, Menor 0, Custodio 0.
Globalport 72 - Morgan 23, Miller 16, Aguilar 11, David 9, Mercado 8, Lingganay 3, Yee 2, Mandani 0, Salvador 0, Adducul 0, Antonio 0.
Quarterscores: 13-20; 34-41; 62-51; 87-72.
- Latest