Brunei umatras sa afc challenge
MANILA, Philippines - Tatlong bansa na lamang ang maglalaban-laban sa AFC Challenge Cup Group E qualifier na magsisimula na bukas sa Rizal Memorial Football Stadium.
Ang Brunei na dapat ay pang-apat na kalahok ay nagdesisyong umatras sa pagsali sa kompetis-yong mula Marso 22 hanggang 26 na magdedetermina kung sino ang aabante sa 2014 AFC Challenge Cup sa Maldives.
“Due to unavoidable circumstances, Brunei is unable to participate in the upcoming AFC Challenge Cup qualifiers scheduled to be held in the Philippines from March 22-26,†pahayag ng Brunei Ministry of Culture, Youth and Sports secretary Dato Paduka Hj Mohd Hamid Hj Mohd Jaafar na lumabas sa Brunei Times.
Wala pa namang aksyon ang organizer na Philippine Football Fe-deration (PFF) dahil wala pang opisyal na komunikasyon ang nasabing bansa hinggil dito.
“We don’t have any formal letter or notice of withdrawal so we are mo-ving forward as planned,†wika ni PFF marketing and communication head Richard ‘Ebong’ Joson.
“It will be the match commissioner who will decide. As host country, we will follow the regulation of the AFC as handed down by the match commissioner,†dagdag nito.
Ang team managers meeting ay gagawin nga-yon.
- Latest