Clippers, Thunder bigo
SACRAMENTO, Calif. -- Kumabig si Marcus Thornton ng 25 points, habang humugot si Tony Douglas ng 17 sa kanyang 19 markers sa fourth quarter para ibangon ang Sacramento Kings mula sa isang eight-point deficit sa huling 11 minuto at igupo ang Los Angeles Clippers, 116-101, nitong Martes ng gabi.
Nagdagdag sina DeMarcus Cousins at Tyreke Evans ng tig-17 points para sa Kings, tinalo ang Pacific Division-leading Clippers sa unang pagkakataon matapos ang mahigit dalawang taon.
Nagbida si Thornton para sa Sacramento at nilimitahan ang Los Angeles sa limang points lamang sa final quarter.
Tumapos si Blake Griffin na may 26 points, 4 rebounds at 5 assists para sa Clippers, nalasap ang kanilang ikaapat na kabiguan sa huling pitong laro.
Sa Oklahoma City, tumipa si Ty Lawson ng 25 points at nagtala si Andre Miller ng 20 points at 9 assists para igiya ang Denver Nuggets sa 114-104 panalo laban sa Oklahoma City Thunder at makamit ang ika-13 sunod na tagumpay na ngayon lang nila nagawa sapul nang sumali sa NBA.
Ang pinakamahabang winning streak ng Nuggets na 12 ay kanilang naiposte noong 1982.
Bagama’t naiwanan ng 1 point sa halftime, kinontrol naman ng Nuggets ang third quarter at hindi na hinayaan pang maagaw ng Thunder ang unahan.
Ang Denver ang u-nang koponan na tumalo sa Oklahoma City ng tatlong beses ngayong season.
Tumipa si Kevin Durant ng 34 points at may 25 si Russell Westbrook para sa Oklahoma City.
- Latest