Bradley nalo kay Provodnikov
MANILA, Philippines - Matapos si Manny Pacquiao, si Russian challenger Ruslan Provodnikov naman ang natakasan ni Timothy Bradley, Jr.
Tinalo ni Bradley (30-0-0, 12 KOs) si Provodnikov (22-2-0, 15 KOs) via unanimous decision upang mapanatiling hawak ang World Boxing Organization welterweight crown kahapon sa Home Depot Center sa Carson, California.
Si Bradley ay binigyan nina judges Marty Denkin at Jerry Cantu ng parehong iskor na 114-113 laban kay Provodnikov, habang 115-112 naman ang mula kay Raul Caiz Sr.
Ito ang unang pagdedepensa ng 29-anyos na si Bradley sa kanyang WBO title na kanyang inagaw kay Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) mula sa isang kontrobersyal na split decision win noong Hunyo 9, 2012.
Inamin ni Bradley na mas malakas ang 29-anyos na si Provodnikov kumpara sa 34-anyos na si Pacquiao.
“He hits far harder than Pacquiao,†pagkukum-para ni Bradley kina Provodnikov at Pacquiao. “His punches are shorter and tighter.â€
Sa first round pa lamang ay muntik nang makaiskor ng KO win si Provodnikov nang mapabagsak si Bradley na itinuring naman ni referee Pat Russell na isang pagkakadulas lamang.
Umabot sa sixth round ang naturang atake ni Provodnikov, nagsilbing sparmate ni Pacquiao sa paghahanda kay Bradley, ngunit nanakbo naman ang Ame-rican champion para makaiwas sa Russian challenger.
“I deserved to win, I deserved to win,†reklamo ni Provodnikov. “This should have not been left to the judges.â€
- Latest