^

PM Sports

Aces solo pa rin

FM - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inangkin uli ng Alaska ang solo lead sa PBA Commissioner’s Cup nang talunin nito kagabi ang Globalport, 93-85 sa Smart Araneta Coliseum.

Muntikan nang pakawalan ng Aces ang mga kalamangang umabot sa 16 sa first half nang pahabulin ang Batang Pier na nakadikit sa 72-76 sa fourth quarter. Pero nagkapit-bisig sa 11-3 run sina rookies Calvin Abueva at Raphy Reyes at ang import nilang si Robert Dozier para isalba ang kanilang koponan na nag-improve sa 7-2 panalo-talo, at may kalahating larong kalamangan sa Petron Blaze.

“It was a collective effort on our part but its nice to see Raphy step up,” pahayag ni Alaska head coach Luigi Trillo sa larong kanilang ipinanalo sa likod ng pagkawala ni injured starting point guard JVee Casio sa pangalawang sunod na laro.

Nagbida sa panalo ng Aces si Dozier na nagtapos na may 26 puntos at 18 rebounds para sa kanyang conference-leading na pangsiyam na double-double pero nakakuha naman ito ng suporta mula sa 15 puntos ni Abueva off-the-bench, 10 ni Cyrus Baguio at walong puntos, tatlong rebounds, dalawang assists at isang steal ni Reyes na pumalit kay Casio sa starting lineup.

Lumagapak ang Globalport sa ikaanim na sunod na pagkatalo.

 

BATANG PIER

CALVIN ABUEVA

CASIO

CYRUS BAGUIO

GLOBALPORT

LUIGI TRILLO

PETRON BLAZE

RAPHY REYES

ROBERT DOZIER

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with