^

PM Sports

Casimero IBF champ pa rin

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matagumpay na naidepensa ni Filipino world light flyweight champion Johnriel Ca­simero ang kanyang korona sa ikalawang sunod na pagkakataon matapos talunin si Panamanian challenger Luis ‘Pan Blanco’ Ríos via unanimous decision kahapon sa Megapolis Convention Center sa Panama.

Napanatiling suot ng 23-anyos na pambato ng Ormoc City, Leyte ang  International Boxing Federation crown mula sa kanyang natanggap na dalawang 119-109 at isang 118-110 iskor sa tatlong judges.

Itinaas ni Casimero ang kanyang win-loss-draw ring record sa 18-2-0 ka­sama ang 10 KOs kumpara sa 18-2-1 (13 KOs) slate ng 22-anyos na si Rios.

Sa kabila ng kanyang pagiging kampeon ay mas naging agresibo si Casimero kaysa kay Rios na palagiang inuulan ng mga kombinasyon ng Filipino titlist sa kabuuan ng laban.

Isang unification fight ang plano ni Filipino promoter Sammy Gello-ani para kay Casimero matapos ang nasabing panalo kay Rios.

Ayon kay Gello-ani, maaari niyang itapat si Casimero alinman kina World Boxing Council (WBC) champion Adrian Fernandez ng Mexico at World Boxing Association (WBA) titlist Roman Gonzales ng Nicaragua.

Unang naidepensa ni Casimero ang kanyang hawak na IBF light flyweight crown laban kay Mexican challenger Pedro Guevara via split decision noong nakaraang taon sa Centro de Con­venciones sa Mazatlán, Si­naloa, México.

Sa undercard, nauwi naman sa draw ang rematch nina John Mark ‘Iceman’Apolinario (17-2-2, 4 KOs) ng Maasin, Sarangani at dating two-division world champion Roberto ‘La Araña’ Vasquez (35-5-2, 22 KOs) ng Panama para sa WBA interim bantamweight belt.

Nauna nang nakakuha si Vasquez ng isang majority draw sa kanilang unang paghaharap ni Apolinario noong Nobyembre 3, 2012 sa Panama.

 

ADRIAN FERNANDEZ

APOLINARIO

CASIMERO

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JOHN MARK

JOHNRIEL CA

LA ARA

MEGAPOLIS CONVENTION CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with