^

PM Sports

Mga na-ban sa PBA

FMangonon - Pang-masa

MANILA, Philippines - Si Petron Blaze import Renaldo Balkman ba ang unang import na binigyan ng lifetime ban sa PBA?

Marami ang nagtatanong nito matapos ang pagpataw ng parusa ni PBA Commissioner Chito Salud kahapon sa import ng Boosters dahil sa pagwawala nito sa endgame ng kanilang laro kontra sa Alaska noong Biyernes sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Base sa mga record, pangsiyam na player na si Balkman na pinatawan ng ban ng PBA pero una sa loob ng nakaraang 15 taon.

Ang mga huling pinauwi at hindi na pinabalik sa liga ay dalawang imports ng Sta. Lucia noong 1998 na sina Jojo English at Cliff Lett dahil sa mga paglabag sa kani-kanilang mga kontrata.

Ang unang anim na imports na pinatawan ng lifetime din ay sina Dexter Shouse ng Purefoods noong 1989 Reinforced Conference, Richard Hollis ng Purefoods noong  1991 First Conference, Andrew Moten ng San Miguel Beer noong 1991 Third Conference, Kelvin Upshaw ng Shell noong 1992 Third Conference, Ronnie Thompkins ng Swift noong 1994 Commissioner’s Cup at Derrek Hamilton ng Alaska noong 1996 Commissioner’s Cup.

Marami na ring iba pang imports na kusang pinauwi ng kanilang mga koponan dahil sa mga kontrobersyal na pangyayari at hindi na hinintay na maparusahan ng liga tulad nina Willie Bland ng Alaska (drugs) at Carl Bird ng Seven-Up (umalis din na di nagpaalam).

 

vuukle comment

ANDREW MOTEN

CARL BIRD

CLIFF LETT

COMMISSIONER CHITO SALUD

DERREK HAMILTON

DEXTER SHOUSE

FIRST CONFERENCE

JOJO ENGLISH

NOONG

THIRD CONFERENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with