^

PM Sports

Actor's Guild Racing Festival pakakawalan ngayon sa San Lazaro

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halagang P3.5 milyon mula sa pitong karera ang pag­lalabanan sa araw na ito sa pagselebra ng Actor’s Guild Racing Festival na gagawin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Dalawang P500,000.00 na karera at limang P300,000.00 karera ang magpapasiklab sa 12 karerang  mapapanood sa pista na mangyayari dahil sa supor­ta ng Klub Don Juan de Manila at ng nagtatagu­yod na racing club na Manila Jockey Club Inc. (MJCI).

Ang Rudy 'Daboy' Fernandez Memorial Cup at Sen. Ramon 'Agimat' Revilla Sr. ang mga karerang mag­bibigay ng kalahating-milyong premyo at ang mananalo ay magbibitbit ng P300,000.00 gantimpala.

Unang ilalarga ang Fernandez Cup bilang race 6 at paglalabanan ito sa 1,600-metrong distansya.

Siyam ang maglalaban-laban at walo rito ay mga imported horse mula Australia at ang mangu­nguna rito ay ang mahusay na kabayo ni Aristeo Pu­yat na Azkal na sakay ni Rodeo Fernandez.

Ang local horse ay ang 2011 Triple Crown leg win­ner  Hari Ng Yambo na gagabayan ni JA Guce.

Ang iba pang kasali ay ang  Born Tycoon, Crucis, Bot­bo, Sliotar, Indy Hay, Doña Nenita at Tritanic.

May 11 kabayo pero 10 ang opisyal na bilang ang kasali sa Revilla Tro­phy Race at ang mga inaasahang mapapaboran sa karera ay ang Salute To Hea­ven, Kornati Island at Yellow Soldier.

Ang mga P300,000.00 races ay ang Mayor Herbert Bautista Trophy Race, Cong. 'Oca' Malapi­tan Trophy Race, Cong. 'Jack' Enrile Trophy Race, Gov. E.R. Ejer­cito Trophy Race at Fer­nando Poe Jr. Memorial Cup.

Apat pang karera ang binigyan ng karagdagang premyo sa mananalo na nasa P10,000.00 at P30,000.00 upang matiyak na magiging mahig­pi­tan din ang tagisan ng mga sasalihing kabayo.

ANG RUDY

ARISTEO PU

BORN TYCOON

ENRILE TROPHY RACE

FERNANDEZ CUP

FERNANDEZ MEMORIAL CUP

GUILD RACING FESTIVAL

SHY

TROPHY RACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with