^

PM Sports

Mas bongga ang Palaro ngayon

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Papalakihin pa ng mga nagtataguyod ng Palarong Pambansa ang 2013 edisyon na gagawin sa Dumaguete City, Negros Oriental sa paghahanap ng katuwang para maipalabas ang mga laro sa telebisyon.

Ang Palaro ay gagawin mula Abril 21 hanggang 27 at katatampukan ito ng aksyon sa mga atletang nasa elementarya at sekondarya

“Ginawa namin ito noong nakaraang taon sa Pangasinan at maganda ang nangyari dahil nabibigyan ng pagkakataon ang mga batang atleta na makilala,” wika ni Department of Education undersecretary Tonisito Umali nang dumalo sa SCOOP sa Kamayan Padre Faura.

Balak din panatilihin ng DepEd ang website na magpapakita ng live scoring sa bawat laro para lahat ng mga tumatangkilik sa aksyon sa kapuluan ng bansa ay makakakuha ng bagong balita sa paboritong koponan.

May 17 sports ang paglalaban uli sa taong ito pero masasama ang larong billiards, wushu at futsal bilang mga demo sports.

“Ito ay ipinakiusap ng Philippine Sports Commission (PSC) dahil marami ang mga batang nahihilig sa tatlong sports na ito. Sa elementary gagawin ang futsal habang ang billiards at wushu ay sa secondary. Ang form lamang sa wushu ang gagawin at hindi kasama ang sparring,” dagdag ni Umali.

Ang National Capital Region ay nagbabalak na ipagpatuloy ang pa-ngunguna sa kompetisyon habang ang Western Visayas at Southern Tagalog ang  siyang makakaribal uli.

Ang NCR ay sasandal uli sa lakas ng kanilang mahuhusay na pambato sa  swimming, boys’ athletics, basketball at boys’ volleyball na kanilang dinomina sa huling edisyon ng Palaro na ginanap sa  Pangasinan.

ANG NATIONAL CAPITAL REGION

ANG PALARO

DEPARTMENT OF EDUCATION

DUMAGUETE CITY

KAMAYAN PADRE FAURA

NEGROS ORIENTAL

PALARONG PAMBANSA

PANGASINAN

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with