Unang overall title sa La Salle
MANILA, Philippines - Ang panalo ng Lady Spikers sa women’s volleyball ang sumelyo sa matagum-pay na kampanya ng De La Salle University sa UAAP Season 75 na katatampukan ng kanilang koronason bilang overall champion sa premier collegiate league ng bansa.
Ang mga Taft-based student-athletes ay humakot ng 293 points sa 28 events na pinaglabanan sa 2012-13 season para makopo ang kanilang unang general championship sa UAAP na pumutol sa paghahari ng Santo Tomas (277 points) na laging nagkakampeon sa nakaraang 14 taon.
Sa pangunguna ng three-peat titlist Lady Spikers, humataw ang mga La Sallians tungo sa pagkopo ng overall title. Bago ang pananalasa ng women’s volleybal, naghari ang La Salle sa taekwondo, table tennis, chess at tennis para sa 15 points per event sa scoring system ng UAAP para sa general championship.
Ang DLSU ay may limang runner-up finishes, para sa 12 points bawat isa sa women’s basketball, men’s taekwondo, men’s swimming, men’s table tennis at wo-men’s football at nag-third place sa 11-events. Mayroon din silang limang fourth-place finish (8 points bawat isa) para sa kanilang matagumpay na season.
“We just celebrated our 100th year last year and I think carry over from that, the energy of the athletes are still high,†sabi ni Bro. Bernie Oca, DLSU Vice Chancellor for Lasallian Mission and Alumni Relations ng eskuwelahan.
Ito ay isang magandang pabaon kay Oca na aalis na ng Taft campus para simulan ang kanyang trabaho bilang president ng La Salle-Zobel. “After six years at DLSU, to have won it on my last year, it’s really great,†aniya.
Mas maraming napagkampeonang event ang Santo Tomas, may-ari ng 39 general championships, kumpara sa DLSU sa kanilang anim na titulo na kinabibilangan ng women’s beach volley, men’s taekwondo, men’s table tennis, men’s at women’s judo at men’s chess.
Nag-second place rin ang Thomasians sa men’s badminton, women’s taekwondo, men’s at women’s tennis, women’s fencing at men’s athletics bukod pa sa apat na third places at anim na fourth place finishes. Ang kanilang kabiguang makapasaok sa Final Four ng men at women’s volleyball ang naging sanhi ng kanilang pagkatalo sa general championships.
- Latest