2 FEU cagers mahaharap sa suspensyon
MANILA, Philippines - Bagama’t negatibo sa paggamit ng anumang ipinagbabawal na gamot, posible pa ring maharap sa suspensyon sina American center Anthony Hargrove, Jr. at Canadian Adam Mohammed ng FEU Tamaraws.
Ito ang pahayag kahapon ni FEU president Anton Montinola hinggil sa magging parusa kina Hargrove at Mohammed na nahulihan ng ilang marijuana stick sa Nicanor Reyes Street sa panulukan ng Recto Avenue sa University Belt area malapit sa FEU campus kamakailan.
“There were no char-ges because of insufficient evidence. Nag-drug test sila at negative,†wika ni Montinola kina Hargrove at Mohammed. “Kung bumagsak sila sa drug test, malamang expelled sila.â€
Idinagdag pa ng FEU chief na nahaharap sina Hargrove at Mohammed sa isang disciplinary action. “Subject sila sa discipli-nary action ng eskuwelahan. Kasi na-break nila ‘yung curfew,†ani Montinola. “May investigation pa ang school regarding the matter.â€
Nakuha kina Hargrove at Mohammed ang dalawang marijuana sticks at sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.
- Latest