^

PM Sports

Tubieron magdedepensa ng titulo vs Indonesian pug

Pang-masa

MANILA, Philippines - Itataya ng sumisikat na boxer na si Dennis Tubieron ang kanyang World Boxing Council International bantamweight crown sa unang pagkaka-taon laban kay veteran Indonesian contender James Mokoginta sa March 16 sa PAGCOR Grand Thea-ter ng Casino Pilipino sa Parañaque City.

“Malaking pagkaka­taon ito sa akin na di ko palalampasin kaya ibu­buhos ko ang lahat para manalo,” sabi ng 23-gulang na Pinoy pug mula sa Puerto Princesa, Palawan kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Taglay ang record na 10 wins, 5 sa pamamagitan ng knockout, 1 loss at 1 draw, hangad ni Tubieron na mapanatili ang WBC international bantam belt na napanalunan niya noong Sept. 8 noong nakaraang taon sa pamamagitan ng eighth-round technical knockout kontra kay Japanese Hiroki Shino.

Bagama’t mas bata ng isang taon sa kalabang Pinoy, hinog na si Mokoginta matapos lumaban ng 35 beses kung saan ipinanalo niya ang 24, 12 via knockout, natalo ng 9 na beses at may dalawang draw.

“Nakita namin ng trainer ko na may knockout punch ‘yung Indonesian sa kanan, kaya ‘yun ang sisikapin naming iwasan at susubukan ko ring mapatulog siya,” sabi ni  Tubieron. “Pero di ko masasabi kung anong round. Sa itaas ng ring na lang magkakakitaan.”

Ang panalo ni Tubie-ron ay mag-aangat sa kanya sa No. 8 rating sa kanyang division.

vuukle comment

CASINO PILIPINO

DENNIS TUBIERON

GRAND THEA

JAMES MOKOGINTA

JAPANESE HIROKI SHINO

PINOY

PUERTO PRINCESA

TUBIERON

WORLD BOXING COUNCIL INTERNATIONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with