Alaska masusubukan sa San Mig
MANILA, Philippines - Nakakalimang panalo na sa kanilang limang laro sa PBA Commissioner’s Cup ang Alaska.
Pero hindi pa tinatalo ng Aces ang kanilang dating head coach na si Tim Cone mula nang lumipat ito sa B-Meg na San Mig Coffee na ngayon, bago nagsimula ang nakaraang season.
Nakaka-anim na panalo na si Cone laban sa Alaska, ang huling dalawa ay sa nakaraang Philippine Cup.
Siguradong may isang streak na mababasag sa paghaharap muli ng Aces at ng Mixers ni Cone ngayon sa alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng alas-5:15 ng hapong salpukan ng Air21 at Meralco.
Galing sa dalawang sunod na panalo ang San Mig Coffee pagkatapos ng mala-bangungot nitong 0-3 simula sa conference.
Ang Philippine Cup champion na Talk ‘N Text ang unang tinalo ng Mixers, 90-82 noong Feb. 24. Nitong nakaraang Sabado sa Naga City ay Globalport naman ang pinataob ng San Mig Coffee, 91-84.
Alam ni Cone na mas lalong humihirap ang mga laro para sa kanila. Pagkatapos ng Alaska ngayon ay Barangay Ginebra naman ang kanilang makakabanggaan sa Linggo.
“It doesn’t get easier,†ani Cone, sabay amin na maganda ang nilalaro ng Alaska sa kasalukuyan at pihadong mahihirapan sila.
“It’s going to be a tough going. Alaska is playing at a very high level with great confidence, and we’re still trying to get our feet under us after a poor start.â€
Nalagpasan ng Aces ang sinabi ng maraming eksperto noon na magi-ging unang pagsubok ang Talk ‘N Text. Hindi lamang basta tinalo ng Alaska ang TNT noong Biyernes pero tinambakan pa nila ito sa 92-69 panalo, ang pinakamasamang talo ng Tropang Texters sa loob ng nakaraang mahigit isang taon.
Pero kung si Alaska head coach Luigi Trillo, isa sa mga assistants dati ni Cone sa Alaska, ang tatanungin ay may mga nakikita itong problema para sa kanyang koponan.
“We have to find ways to take away the match-up problems. In every position (San Mig Coffee) can isolate.
- Latest